Hindi bababa sa 20 mansyon ang magkakasabay na tinupok ng apoy sa nang magka-wildfire dulot ng tag-init sa California, USA. Ang mga mansyon, nagkakahalaga ng milyon-milyong dolyar bawat isa.

Sa GMA News Feed, sinabing agad na pinalikas ang mga residente mula sa nasa 100 bahay.

"People [were] crying and hugging one another... and cars full of, I assume, their most precious items from their homes," sabi ng residenteng si Tim Wheaton.

"It was about 4:30 pm, 4-ish and I was in my bedroom and an orange glow was coming through my bedroom window and I thought that is odd. I was hearing the helicopters and I looked out and I saw the hillside on the other side on fire," ayon kay Darlene Disebrucker, isa pang residente.

"So this is devastating to people who do live here, shocked that it is a more affluent neighborhood but people have lost their homes. It doesn't matter where you live then, it is your home," patuloy niya.

Nag-umpisa ang apoy sa kabundukan saka mabilis na kumalat sa residential areas sa kalagitnaan ng nararanasang tagtuyot doon.

Pinakanaapektuhan ang mayamang komunidad ng Laguna Niguel sa California, pero maaari pang madagdagan ang bilang ng mga bahay na matutupok.

Nasa 80 ektarya na ang apektado ng wildfire nitong Mayo 12.

"There fires are taking off and running on us. And they're burning very quickly enough that it's burning quickly and into the structures," sabi ni Brian Fennessy ng Orange County Fire Authority.

Sinabi ng mga bumbero na isang kasamahan nila ang sugatan sa pag-aapula ng sunog.

Pinalikas na rin ang mga nakatira sa 900 bahay sa coastal area kung saan papunta ang apoy, isang araw matapos magsimula ang wildfire.

Isinara na rin muna ang ilang kalye bilang pag-iingat.--FRJ, GMA News