"Leave now." Ito ang mensahe ni US President Joe Biden sa kaniyang mga kababayan na nasa Ukraine. Sa harap ito ng tumataas na tensiyon sa pagitan ng nasabing bansa at kalapit nitong Russia.
"American citizens should leave, should leave now," sabi ni Biden sa panayam ng NBC News, na iniulat ng Agence France-Presse.
"We're dealing with one of the largest armies in the world. This is a very different situation and things could go crazy quickly," dagdag ng presidente ng Amerika.
Miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang Amerika, kung saan posible ring mapabilang ang Ukraine. Bagay na mahigpit namang tinututulan ng Russia.
Nakapuwesto na umano ang daang-libong tropa ang Russia malapit sa border ng Ukraine.
"That's a world war. When Americans and Russians start shooting one another, we're in a very different world," ayon kay Biden.
Patuloy naman ang pagsisikap ng Western leaders upang maiwasan ang digmaan at resolbahin ang problema sa diplomatikong paraan.
Gayunman, posibleng magpataas umano sa tensiyon ang mensahe ni Biden sa mga kababayan nito na umalis na ng Ukraine.
"What I'm hoping is that if (Russian President Vladimir Putin) is foolish enough to go in, he's smart enough not to in fact do anything that would negatively impact American citizens," anang lider ng Amerika.
Ayon kay Biden, hindi niya na ito dapat sabihin kay Putin, sabay sabi pa na: "He knows that."
—AFP/FRJ, GMA News