Mula sa mahigit 105,000 active cases nitong Martes, bumaba na ito sa 96,000 nitong Miyerkules, ayon sa datos ng Department of Health (DOH).
Nitong Miyerkules, 3,651 ang naitalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa. Bahagya itong mas mataas sa 3,574 na mga bagong kaso na naitala nitong Martes.
Sa mga bagong kaso nitong Miyerkules, sinabing 3,474 o 95% ay nangyari sa nakaraang 14 araw mula Enero 27 hanggang Pebrero 9, 2022.
Ang mga rehiyon na may pinakamataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay mula sa Region 6 (523 o 15%), National Capital Region (484 o 14%), at Region 4-A (414 o 12%).
Samantala, sa 96,326 na active cases, 4,150 ang asymptomatic cases, 87,385 ang mild, 3,029 ang moderate, 1,447 ang severe, at 315 ang critical.
Mayroon namang 12,834 na pasyente na gumaling, at 69 na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga pumanaw.
Halos hindi naman nagbago ang COVID-19 positivity rate ng bansa sa 16.5%.
Ayon sa DOH, operational ang lahat ng laboratoryo mula February 7, at tatlo sa mga ito ang hindi nakapagsumite ng datos sa takdang oras sa COVID-19 Document Repository System.
—FRJ, GMA News