Nakapagtala ang Department of Health ng 421 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Pinakamarami nito ay nanggaling sa Metro Manila.
Sa 4 p.m. case bulletin ng DOH, sinabi nito na ang Metro Manila ang nakapagtalaga ng pinakamaraming bagong kaso na umabot sa 170. Sumunod ang Calabarzon na may 55, at ang Central Luzon na may 39.
Umabot naman ang mga aktibong kaso sa 9,750, kung saan 489 ang asymptomatic, 3,766 ang mild cases, 3,343 ang moderate cases, 1,778 ang severe cases, at 374 ang critical cases.
Dalawa naman ang naitalang nasawi para kabuuang bilang na 51,213.
Ayon pa sa datos ng DOH, 248 na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling na.
Dalawang laboratoryo ang non-operational noong December 26, 2021, habang 16 na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa takdang oras sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Tumaas sa 2.6% ang positivity rate sa bansa, bagaman pasok pa rin naman sa target na less than 5% na itinatakda ng World Health Organization.— FRJ, GMA News