Isang sunog ang sumiklab sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City nitong Sabado ng umaga, Araw ng Pasko.
Ayon sa ulat ni Rod Vega sa Super Radyo dzBB, nag-umpisa ang sunog ng 8:25 a.m. sa isang residential area sa San Simon Street, base sa impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection-Quezon City.
Itinaas ng BFP ang unang alarma.
Naapula naman ang sunog ng 8:48 a.m.
Isa ang sugatan. Ito ay isang 15-anyos na lalaki na nagtamo ng first degree burns sa paa.
Tatlong pamilya naman ang apektado ng sunog.
Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog at kung magkano ang tinatayang damage. —KG, GMA News