Pinabulaanan ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy, lider ng Kingdom of Jesus Christ, the Name Above Every Name, ang mga bintang sa isinampang kaso laban sa kaniya na sex-trafficking sa Amerika.
Sa pahayag ng abogado ng KJC nitong Biyernes, tinawag na "a vicious attempt" ang naturang kaso para pabagsakin umano si Quiboloy.
“Once again, another vicious attempt to bring down Pastor Apollo C. Quiboloy and some of the Kingdom leaders has been organized just recently in the United States, but The KJC, The Name Above Every Name and all its followers remain steadfast and committed to faithfully respond to its mission, its ministry and its divine calling despite all the detraction efforts made against them,” ayon sa KJC legal counsel.
Nakasaad sa 74-pahinang habla ng Federal prosecutors sa Los Angeles, na inakusahan si Quiboloy at iba pang opisyal ng KOJC na umano'y pagpapatakbo ng sex trafficking operations.
Mga kabataan na hanggang edad 12 umano ang biktima ng mga inaakusahan sa kaso.
Sinabi ng abogado ng KJC, ginagawa ng mga taong kontra kay Quiboloy ang lahat para siraan ang kanilang mga lider.
“The people who accused him today in California, are the same dissidents who miserably failed in their attempt to bring Pastor Quiboloy into the case in Hawaii,” ayon sa pahayag nito.
Gayunman, naniniwala sila na lalabas umano ang katotohanan.
“We are confident and ready to face whatever is hurled against Pastor Quiboloy and the Kingdom leaders. We trust the process of justice and we certainly expect the truth to prevail and the Kingdom ministry will continue to prosper,” dagdag pa nila sa pahayag.--FRJ, GMA News