Inihayag ni Vice President Leni Robredo nitong Huwebes na sasali siya sa panguluhang halalan sa Eleksyon 2022.
"Lalaban ako, lalaban tayo. Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagka-pangulo sa halalan ng 2022," sabi ni Robredo sa kaniyang talumpati.
Ginawa ni Robredo ang anunsyo, isang araw matapos maghain ng certificate of candidacy (COC) si dating senador Bongbong Marcos, na kakandidato ring pangulo sa May 2022 elections.
Nakalaban at tinalo ni Robredo sa vice presidential race si Marcos noong 2010 elections.
Deklara ni Robredo, "Tatalunin natin ang luma at bulok na pulitika," she said.atalunin niya ang "luma at bulok na pulitika."
Bago nito, inindorso ng opposition coalition na 1Sambayan si Robredo na maging presidential candidate ng grupo.
"Buong-buo ang loob ko ngayon. Kailangan natin palayain ang ating sarili mula sa kasalukuyang," sabi ng bise presidente.
Binatikos niya ang kasalukuyang administrasyon sa mga kinakaharap na problema ng bansa.
"Kung gusto nating tunay na makalaya sa ganitong situwasyon, hindi lang apelyido ng mga nasa poder ang dapat palitan; 'yung korupsyon, 'yung incompetence, 'yung kawalan ng malasakit, kailangang palitan ng matino at mahusay na pamumuno," giit niya.
Sen. Kiko, VP ni Robredo—sources
Samantala, sinabi naman ng impormante mula sa kampo ni Robredo na si Senador Francis "Kiko" Pangilinan ang napili nitong maging running-mate.
Idinagdag ng source, na inaasahan na sasamahan ni Pangilinan si Robredo sa paghahain ng COC ngayong hapon ng Huwebes.
Isa pang source mula sa Liberal Party ang kinumpirma ang naturang impormasyon.
Si Pangilinan ang presidente ng LP at maaaring pang tumakbong senador muli sa 2022.—FRJ, GMA News