Tataas ang singil ng Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang mga kostumer ngayong Setyembre.
Sa inilabas na abiso ng Meralco nitong Biyernes, sinabing magkakaroon ng dagdag na singil na P0.1055 per kilowatt-hour (kWh).
Dahil dito, magiging P9.1091/kWh ang electricity rates sa Setyembre mula sa P9.0036/kWh noong Agosto.
Ipinaliwanag ng Meralco na ang pagtaas ng generation charge ang dahilan ng pagtaas ng kanilang singil.
Ang naturang power rate adjustment ay mangangahulugan ng tinatayang P21 na dagdag sa bayarin sa mga tahanan na kumukonsumo ng hanggang 200 kWh.
Sa kabila ng naturang pagtaas ng singil, sinabi ng Meralco na mas mababa pa rin ito kumpara sa singil na P10.0732/kWh na naitala noong Setyembre 2018.--FRJ, GMA News