Matapos ang anim na buwan na imbestigasyon, naglabas na ng rekomendasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kung sino ang mga dapat kasuhan sa nangyaring shootout noong Pebrero sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Apat ang nasawi sa naturang engkuwento na naganap noong Pebrero 24, na nangyari sa parking area ng isang fast food chain sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Paliwanag ng magkabilang panig, pareho silang nagsasagawa ng anti-drug operations nang mangyari ang barilan.

Nitong Lunes, inirekomenda ng NBI sa Department of Justice (DOJ)  ang pagsasampa ng reklamo laban sa 12 tauhan ng PNP-Quezon City  at apat na tauhan ng PDEA.

Kasama sa mga kaso ang homicide, attempted homicide, direct assault, falsification of official documents, robbery, at conniving with or consenting to evasion.

Ang mga pinakakasuhan ng NBI para sa homicide sa pagkamatay ni Police Corporal Eric Elvin Garado.

  • PDEA agent Khee Maricar Rodas
  • PDEA agent Jelou Satiniaman
  • PDEA agent Jeffrey Baguidudol

Homicide para sa pagkamatay Police Corporal Lauro de Guzman

  • PDEA agent Romeo Asuncion

Homicide sa pagkamatay ni PDEA agent Rankin Gano

  • Police Corporal Alvin Borja

Homicide sa pagkamatay ng informant na si Untong Matalnas

  • unidentified assailant

Attempted homicide sa tinamong sugat ni Police Lieutenant Ronnie Ereño

  • PDEA agent Satiniaman

Attempted homicide sa tinamong sugat nina PDEA agent Baguidudol at PDEA agent Martin Matthew Soriano)

  • Police Lieutenant Ereño
  • Police Corporal Borja
  • Police Corporal Marlon Masiclat
  • Police Corporal Ronilo Prepose
  • Police Corporal Jason Corañez
  • Police Corporal Aries Curit
  • Police Corporal Marco Tapanan
  • Police Corporal James Dasalla

Direct assault with physical injuries, direct assault with less serious physical injuries, at direct assault

  • Police Major Sandie Caparroso
  • Police Corporal Paul Christian Ganzeda
  • Police Lieutenant Honey Besas
  • several unidentified police officers present during the incident

Falsification of official document

  • PDEA Agent Baguidudol

Robbery

  • Police Major Caparroso
  • Police Corporal Ganzeda
  • Police Lieutenant Besas
  • several unidentified police officers present during the incident

Conniving with or consenting to evasion

  • Police Major Caparroso
  • Police Corporal Christopher Alvarez
  • Police Lieutenant Besas
  • Police Lieutenant Ereño

Ayon sa NBI, ipinapaubaya nila sa DOJ ang pagsusuri sa kanilang rekomendasyon kung sino ang mga dapat kasuhan. — FRJ, GMA News