Mas mahabang curfew ang ipatutupad sa Metro Manila sa Agosto 6, 2021 na simula nang mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ).
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority chairperson Benhur Abalos, nitong Lunes na ipatutupad ang curfew ng 8 p.m. hanggang 4 a.m., simula sa Biyernes (Aug. 6).
Noong June 15, inigsian ang curfew sa Metro Manila mula 12 midnight hanggang 4 a.m.
Kasalukuyang nasa general community quarantine (GCQ)“subject to heightened and additional restrictions” na tatagal hanggang Huwebes (Aug.5).
Kaagad na binago at ipinatupad ang mas mahigpit na ECQ sa Aug. 6 dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, kabilang ang mas nakahahawang Delta variant.—FRJ, GMA News