Isang rider na sinubukang tumayo matapos matumba sa EDSA, Quezon City ang nasawi nang mahagip at magulungan ng bus.
Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabi ng ilang saksi na pilit na tumatayo ang rider matapos matumba ang motorsiklo sa gitna ng highway.
Pero may biglang dumating bus at nagulungan ang biktima.
Nasa kostudiya na ng mga awtoridad ang bus driver.
Hindi nagbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima, ayon sa ulat.--FRJ, GMA News