Sa kabila ng mga diplomatikong protesta na inihain ng Department of Foreign Affairs laban sa China kaugnay sa mga barko ng huli sa Julian Felipe Reef, sinabi ngayong Martes ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi sakop ng Pilipinas ang naturang parte ng karagatan.
“We're making a big thing out of the fact, when that area was never under our possession,” sabi ni Roque sa Palace briefing.
“Ang talagang nag-aagawan sa Julian Felipe, Vietnam at China,” patuloy niya.
Gayunman, sinabi ni Roque, na hindi ibinabasura ng pamahalaan ang pag-angkin sa naturang lugar.
“Our claim is Julian Felipe Reef is an island and an island generates maritime territory. Pero ni hindi nga po 'yan kabahagi ng arbitration natin, napakalayo talaga niyan sa atin. Pero hindi po natin binabalewala ang claim natin,” giit niya.
Ilang diplomatic protest ang isinampa ni DFA Sec. Teddy Boy Locsin laban sa China matapos na makita mula noong Marso ang mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef na bahagi umano ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Mula sa mahigit 200 noong Marso, sinabing malaki na ang nabawas sa bilang ng Chinese vessels sa Julian Felipe Reef.
DFA LOCSIN, PUMALAG
Matapos ang naturang pahayag ni Roque, sinabi sa Twitter post ni Locsin na dapat ipaubaya sa DFA ang international diplomacy.
"My God just came in on a very early flight; all this was settled last night: somebody dropped the ball of possession; later he picked up the paper of maritime features not generating their own EEZ just in case we drop the ball of possession yet again and lose our EEZ. Now this?" sabi ng kalihim ng DFA.
This is my last warning. When it comes to foreign affairs the Department of Foreign Affairs has the exclusive remit. I don’t come from diplomacy; I come from a life that settled the hash of a lotta people who talked tough and ended up biting dirt. I don’t talk, I deal.
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) May 11, 2021
Kabilang sina Locsin at Roque sa mga dumalo sa television address ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ng gabi kung saan pinag-usapan ang tungkol sa nangyari sa Scarborough Shoal sa ilalim ng Aquino administration.
"This is my last warning. When it comes to foreign affairs the Department of Foreign Affairs has the exclusive remit," ani Locsin.
"I don’t come from diplomacy; I come from a life that settled the hash of a lotta people who talked tough and ended up biting dirt. I don’t talk, I deal," dagdag niya.--FRJ, GMA News