Hindi nawawalan ng pag-asa si Pasig City Mayor Vico Sotto na kayang alisin ang katiwalian sa gobyerno at sa kultura ng mga Pinoy.

Sa kaniyang tweet, pinasalamatan ng alkalde ang U.S. Department of State sa pagkilala sa kaniya bilang isa sa Anti-corruption champions.

"But more than the recognition, I hope this helps raise awareness," ani Sotto.

"If we want better long-term governance, we need to fight corruption. We have to denormalize it, get it out of our culture," dagdag ng alkalde.

 

 

Nagkomento ang isang netizen sa post at sinabing matagal nang nakatanim sa bansa ang problema ng katiwalian.

"Di ka pinangangak iho, iyan na ang problema sa Pilipinas!" anang netizen.

Tugon naman ni Sotto, maaari pa ring labanan ang katiwalian kahit paunti-unti.

"Pati naman po kayo, di pa po kayo pinapanganak, iyan na ang problema sa Pilipinas. Our problems have been ingrained in our government and culture for hundreds of years," sabi ni Sotto.

 

 

"Ngunit kung lalabanan natin, darating ang pagbabago, kahit paunti-unti," patuloy ng alkalde.

--FRJ, GMA News