Nais ng isang kongresista na imbestigahan ng Kamara de Representantes ang tumataas na karahasan laban sa mga kababaihan at mga bata ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa House Resolution 1581, sinabi ni Las Piñas Representative Camille Villar, na nakakaalarma ang datos tungkol sa karahasan laban sa mga babae at bata na kailangang tugunan.

"We need to tackle this issue as this seems to be neglected and victims are left with their abusers at home," pahayag niya.

"We need to also determine what are the possible and immediate measures to mitigate the effects of violence and strengthen support services for the victims," dagdag pa ni Villar.

Naniniwala rin ang mambabatas na may mga kaso pa ng karahasan sa mga kababaihan at mga bata ang hindi naiuulat sa mga awtoridad dahil na rin sa pandemic.

"The statistics of victims coming forward to report instances of abuse show the weakness in enforcement despite several laws that were approved to protect women and children," ayon kay Villar.

BASAHIN: Pandemic inflames violence against women

Batay umano sa datos mula sa Philippine Commission on Women, lumalabas na mayroong 13,923 kaso ng violence against women and children ang naitala mula pa lamang noong Marso hanggang Nobyembre 30, 2020.

Sa naturang bilang, 4,747 ay kaso ng pang-aabuso sa mga bata.

Sinabi ni Villar na mahalaga ang magkaroon ng kaalaman ang publiko tungkol sa naturang usapin para mabawasan ang kaso ng mga pang-aabuso at karahasan sa mga babae at mga bata.--FRJ, GMA News