Pinagsisira ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nasabat na smuggled o itinangkang ipuslit na luxury vehicles na nagkakahalaga ng mahigit P45 milyon sa Port of Cebu.
Sa ulat ni Mark Salazar sa GMA News TV "Balitanghali," makikita na kasama sa mga pinagwawasak na sasakyan ang isang Bentley.
Sinubukan umanong ipuslit ang mga sasakyan pra hindi makapagbayad ng tamang buwis.
Lima pang mamahaling sasakyan ang winasak ng crane sa naturang port, na isinabay sa pagdiriwang ng ika-119 anibersaryo ng BOC.
Nagkakahalaga ng P45.2 milyon ang mga winasak na sasakyan.
"We are doing this to prevent smugglers from circumventing the law by attempting to acquire these vehicles through the auction process," ayon kay Secretary Carlos Dominguez ng Department of Finance. -Jamil Santos/NB, GMA News