Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa paggamit ng dalawang brand ng disposable face masks na mabibili sa merkado.
Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Biyernes, sinabing ang isang face mask ay may tatak na AiDelai, habang walang marka ang isa pa na may nakalagay lang na disposable face masks.
Batay sa magkahiwalay na abiso ng FDA, hindi raw nakarehistro sa kanila ang dalawang face mask kaya hindi rin tiyak ang kalidad ng mga ito at kung ligtas bang gamitin na panlaban sa COVID-19 dahil hindi dumaan sa kanilang pagsusuri.
Inatasan na ng FDA ang mga awtoridad at lokal na pamahalaan na hindi maibebenta sa merkado ang naturang mga face mask.--FRJ, GMA News