Sa pormal na pagbubukas ng buong Skyway Stage 3 project nitong Huwebes na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte, natanong ang negosyanteng si Ramon Ang kung tatakbo ba siya sa 2022 national elections. Alamin ang kaniyang sagot.
Ayon kay Ang, president and COO ng San Miguel Corp., wala siyang planong tumakbo sa susunod na halalan sa kabila ng mga haka-haka.
“Perhaps because of our company’s efforts to help our country, many are thinking I am planning to enter politics. I have no such ambition,” saad ni Ang, na ang kompanya ang nasa likod ng pagtatayo ng Skyway 3.
Inaasahan na malaking ginhawa sa mga motorista ang idudulot ng Skyway 3 na nagduduktong sa NLEX at SLEX dahil mababawasan ang mga dumadaan sa EDSA.
“All these projects we’ve completed, and all the new ones we’re about to start, are part of our long-term vision we first articulated more than a decade ago, when we said we wanted to be a true partner in nation-building,” sabi pa ng negosyante.
Bukod sa mga proyekto, nagsagawa rin ng donation drive ang SMC at iba pang programa sa pagtugon sa COVID-19 pandemic lalo na noong panahon ng lockdown.
Pero ayon kay Ang, “SMC can do a lot to help our country, by investing in industries and sectors that will accelerate its growth.”
“We love our country, it’s the only one we have, so we should all do what we can to lift it up and help Filipinos. This pandemic has only made that commitment deeper and stronger,” patuloy niya.
Kabilang sa mga ibototo sa 2022 elections ang bagong pangulo dahil matatapos na ang anim na taong termino ni Duterte.--FRJ, GMA News