Nasawi ang isang rider matapos siyang magulungan ng 14-wheeler truck na may dalang semento sa Balintawak, Quezon City.
Sa ulat ni Corinne Catibayan sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, kinilala ang biktima na si Enaro Bernardino, 31 anyos, na basag din ang helmet.
Dahil dito, napasugod sa lugar ang live-in partner niyang si Jovielyn Mesacampo.
May naiwang apat na anak na batang lalaki si Bernardino.
Desididong magsampa ng reklamo ang live-in partner ni Mesacampo laban sa driver ng 14-wheeler na si Reynan Ocampo.
Ngunit depensa ni Ocampo, aksidente ang nangyari.
"May natamaan po raw ako, pero hindi ko naman po [nakita] sa side mirror na may natamaan po ako. Hindi ko naman po sinadya 'yun eh, aksidente po 'yun," sabi ni Ocampo.
Sinabi ng pulisya na wala pang witness sa insidente at wala ring CCTV sa lugar.
"Base sa nakita ko, walang tama 'yung motorsiklo, puwedeng na-run over 'yung tao, na out-of-balance sa pangyayari. Iimbestigahan pa namin 'yan," puwedeng Police Staff Sergeant Romeo Birog Jr., imbestigador ng QCPD Traffic Sector.
Posibleng maharap ang truck driver sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property with homicide. -Jamil Santos/MDM, GMA News