Binalaan ni Southern Luzon Command (Solcom) chief Lieutenant General Antonio Parlade Jr. ang aktres na si Liza Soberano dahil sa pagsuporta umano nito sa Gabriela Women's Party, na ayon sa militar ay prente ng komunistang grupo.
Sa isang pahayag nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ni Parlade na dapat mabigyan ng sapat na impormasyon ang aktres na nagtataguyod ng karapatan ng mga kababaihan.
Dagdag pa ng opisyal, "hindi pa" miyembro ng New People's Army si Liza at iba pang celebrity kaya dapat malaman nila ang "hidden violent agenda" ng Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA).
Ayon kay Parlade, ang MAKIBAKA ay isang underground group na nagtatago sa likod ng Gabriela Women's Party.
"Liza Soberano, there' s still a chance to abdicate that group. If you don't, you will suffer the same fate as Josephine Anne Lapira @ELLA, former Deputy Secretary General of Gabriela Youth of UP Manila and defender of women's rights, even against sexual predators amongst her comrades in the NPA unit she joined which is clearly stated in her handwritten letter addressed to a certain @EMIL," sabi ni Parlade.
Nagbigay din ng katulad na babala ang militar kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.
"The choice is yours, Liza and so with you, Catriona..." patuloy ni Parlade.
Pinayuhan din ni Parlade ang aktres na huwag sundan ang yapak ng isang Ka Ella Colmenares.
"I am sure Angel Locsin and Neri Colmenares will not tell you this," ani Parlade.
Binatikos din ni Parlade sa pahayag ang Gabriela dahil hindi umano ipinapaalam ng grupo ang kanilang pakay sa mga nire-recruit.
"So, Rep. Arlene Brosas and Gabriela, shame on you if you haven't informed your recruits about your hidden violent agenda," anang opisyal.
Samantala, inakusahan naman ni Gabriela party-list Representative Arlene Brosas si Parlade ng "rabidly red-tagging" sina Soberano, ilang celebrity at mga influencer na lumalaban umano sa "macho-fascism" ng administrasyong Duterte.
"How come these macho-fascists have the audacity to mansplain strong women and lecture them on what to do? And why do they seem so afraid of women using their platform to defend other women?" anang militanteng mambabatas.
Sa pagtukoy umano ni Paralde kay Soberano na "hindi pa NPA," sinabi ni Brosas na malisyoso nang iniuugnay ng opisyal ang aktres sa armadong grupong NPA.
"These rabid NTF-ELCAC executives are using their rehashed script to discredit Gabriela Women’s Party despite our long track record of advocating women’s rights. Our 20 years of advancing women and children’s rights inside and outside of Congress cannot be smeared by their repeated lies," ani Brosas.
"They are becoming desperate as we approach our 20th anniversary celebration on October 25, wherein we will highlight our achievements and the broad support for our agenda and advocacy," dagdag pa niya. —FRJ, GMA News