Pinatawan ni Ombudsman Samuel Martires ng anim na buwang suspensiyon ang 13 opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sa magkahiwalay na suspension order na nakuha ng GMA News, nakasaad na ipinalabas ang kautusan noong Agosto 18.
Ang mga opisyal na sinuspinde ay sina:
Dennis Mas, Senior Vice President, Management Services Sector
Shirley Domingo, Vice President, Corporate Affairs Group
Rodolfo del Rosario, Jr., Senior Vice President
Leila Tuazon, Acting Senior Manager Operations, Audit Department
Clementine Bautista, Vice President, Quality Assurance Group
Roy Ferrer
Celestina Ma. Jude dela Serna
Raul Dominic Badilla
Israel Pargas
Angelito Grande
Lawrence Mijares
Eugenio Donatos II
Ruben Basa
Hindi naman malinaw kung anong usapin ang dahilan sa pagkakasuspinde sa mga opisyal.
Nagsasagawa ng magkahiwalay na imbestigasyon ang Senado at Kamara de Representantes sa mga alegasyon ng katiwalian sa PhilHealth.
Bumuo rin ng task force ang Malacañang para imbestigahan ang mga alegasyon laban sa mga namumuno sa ahensiya.
Sa Twitter post, sinabi ng PhilHealth na hindi pa nila natatanggap ang kautusan ng Ombudsman.
“As of this time, the concerned officers are not aware of the charges against them. We will issue a full statement as soon as we get hold of the said order,” ayon sa pahayag.
Una rito, nagsumite ng kaniyang medical leave si PhilHealth president Ricardo Morales.
Nag-leave rin ang ilang opisyal ng ahensiya na sina vice presidents Paolo Johann Perez (Region IV-B), Datu Masiding Alonto Jr. (Region X), Atty. Valerie Anne Hollero (Region VI), Atty. Khaliquzzman Macabato (BARMM), Dennis Adre, at William Chavez. --FRJ, GMA News