Tinulungan ng isang napadaan lang na nurse na mapaanak ang isang babaeng walang tirahan sa Makati City.

Sa ulat ng GMA News "Saksi," sinabing halos nakalabas na noon ang ulo ng sanggol nang mapadaan ang nurse sa kabutihang palad.

Nasa maayos nang kondisyon ngayon ang mag-ina sa ospital. —Jamil Santos/LBG, GMA News