Arestado sa entrapment operation ang isang Koreano at nobya niyang Pinay dahil umano sa illegal recruitment at human trafficking, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.
Matagal na raw sinusubaybayan ng mga pulis ang mga suspek matapos makatanggap ng mga reklamo hinggil umano sa iligal nilang gawain.
Nagri-recruit daw ang dalawa ng mga graduate sa isang Korean language school. Nagpapakilala raw ang Koreanong suspek na kinatawan siya ng isang kilalang kumpanya sa South Korea.
Target daw ng mga suspek, na nanghihingi umano ng P40,000 na placement fee ang mga Pinoy na gustong magtrabaho sa South Korea.
Nasa kustodiya na ng pulis ang magkasintahan, na kapwa walang pahayag. --KBK, GMA News