Hulicam ang pagkuyog ng isang grupo ng kabataan sa isang pasahero ng tricycle sa Maynila sa kabila ng pinaiiral na curfew, ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Lunes.

Naganap ang insidente sa Moriones Street sa Tondo nitong Linggo ng madaling araw.

Ayon sa mga saksi, isang bata na may kasamang babae ang sakay ng tricycle. Pinilit daw silang hilahin ng grupo palabas ng tricycle.

Isang saksi ang nagsabi na hindi tagaroon ang grupo ng kabataan.

Ilang bystander at barangay tanod ang umawat sa kabataan na agad namang nagpulasan.

Hindi na ni-report sa pulisya ang insidente. --KBK, GMA News