Sumampa na sa 10,004 ang kompirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas matapos na madagdagan ng 320.
Sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, sinabing nadagdagan naman ng 98 ang mga gumaling para sa kabuuang bilang na 1,506.
Samantala, 21 pasyente pa ang nasawi dahil sa mga komplikasyong dulot ng virus, para sa kabuuang bilang na 658.
Una rito, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na magpapadala sa Pilipinas ang Japan ng anti-flu drug avigan para sa clinical trials ng naturang gamot para sa 100 pasyente. —FRJ, GMA News