True-to-life prince charming ang dating ni Prince Abdul Mateen Bolkiah, ang anak ng sultan ng Brunei na bahagi ng Brunei polo team sa gaganaping 30th Southeast Asian Games dito sa Pilipinas.

FULL COVERAGE: 30th Southeast Asian Games on GMA News Online

Ayon sa ulat ni Mav Gonzales sa 24 Oras nitong Martes, agaw-pansin ang prinsipe sa laban nila sa Pilipinas nitong Lunes kung saan nagwagi ang mga dayuhan.

Ang ilang Pinoy fans dumayo pa sa Batangas para panoorin si  Prince Abdul Mateen, na anak ni Sultan Hassanal Bolkiah.

"They just wanted some pictures and I'm flattered," sabi ng prinsipe.

Sixth in line sa trono ng Brunei ang 28-taon gulang na si Prince Mateen. —KBK, GMA News