Nakuha ng San Miguel Corp. ang kontrata para sa pagtatayo at pagpapatakbo ng P735-billion New Manila International Airport sa Bulakan, Bulacan matapos na walang ibang kompanya na tumapat para sa naturang proyekto.

“Today was the opening of bids for the Swiss challenge of the New Manila International Airport in Bulacan. No one submitted, no one joined the bidding ... No one submitted a comparative proposal to challenge the original proponent which is San Miguel,” sabi ni Transportation Assistant Secretary for Procurement and Project Implementation Giovanni Lopez nitong Miyerkoles.

“Which means we have to award the project to San Miguel,” dagdag pa ni Lopez, na namumuno ng Bids and Awards Committee.

Ipadadala ng Department of Transportation (DOTr)  ang notice of award sa nanalo bidder at kailangang matugunan ng Sam Miguel ang mga kailangan mga dokumento.

“There are some conditions in the notice of award which San Miguel has to comply with, for example the performance security, proof of commitment," saad ni Lopez.

"They have 20 days to do so. After that we have five days to check whether they complied or not, then a formal signing of contract ... Then we will issue a notice to commence construction of the project.”

Plano namang tapusin ang konstruksyon at magamit na ang paliparan sa loob ng apat hanggang anim na taon.

Tiniyak naman ni San Miguel president at COO Ramon Ang, na tutugunan ng kanilang kompanya ang lahat ng rekisito na hihingin ng pamahalaan.

Naunang sinabi ni Ang na posibleng masimulan ang konstrusyon ng 2,500 hektaryang paliparan ngayong taon. Mayroon itong apat na runway, passenger terminal building, na may airside at landside facilities, at airport toll road.

“With this project, we will generate a lot of jobs and boost not just the local economies of Bulacan but also of neighboring provinces,” sabi ni Ang sa hiwalay na pahayag.

“As part of a larger infrastructure ecosystem that consists of existing and future expressways and mass rail systems, it will be easily accessible from north and south Luzon and will help in significantly decongesting Metro Manila,” dagdag niya.—FRJ, GMA News