Papasukahin umano ng mga eksperto ang isang nahuling buwaya na pinaghihinalaang lumapa sa isang mangingisda sa Balabac, Palawan noong nakaraang linggo.

Sa ulat ni Ian Cruz sa "GMA News TV Balitanghali" nitong Martes, dadalhin sa pasilidad ng Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC) ang buwaya.

Doon daw ito pasusukahin kapag nasa maayos nang kondisyon para mapatunayan kung ito nga ang nakakagat at nakapatay sa mangingisdang si Cornelo Bonete.

Ibiniyahe na papuntang Puerto Princesa ang buwayang halos labing-anim na talampakan ang haba at 400 kilo ang bigat.

Wala nang buhay ang si Bonete nang matagpuan sa baybayin. Meron siyang mga 

Maingat umano ang gagawing pagsusuri sa nahuling buwaya upang hindi na magdulot pa ng dagdag na stress sa hayop.

Paalala ng mga awtoridad sa publiko, iwasang gumawi sa mga bakawan na siyang natural habitat ng mga buwaya.

Kailangan din umanong patuloy na pigilan ang pagkasira ng mga bakawan sa kapaligiran. —Dona Magsino/NB, GMA News