Nahulog ang isang kotse mula sa third level ng isang parking area sa Greenhills, San Juan City.
Sa ulat ni Jonathan Andal sa Super Radyo dzBB, isang Toyota Innova ang bumangga at lumusot sa railings ng parking area at bumagsak sa semento na pabaliktad.
flash
— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 18, 2018
Isang kotse, nahulog mula sa 3rd level ng parking area sa Greenhills, San Juan City .l via @JonathanAndal_
JUST IN: Sasakyan, nahulog mula sa 3rd floor ng parking area sa Greenhills @dzbb pic.twitter.com/yeUJxbjc8p
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) November 18, 2018
Ayon sa mga saksi, inakala nilang may sumabog sa lakas ng narinig nilang tunog nang malaglag ang isang sasakyan mula sa 3rd level ng steel parking ng isang mall sa Greenhills ????Nandz Vecino @dzbb pic.twitter.com/WmcjDLCBia
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) November 18, 2018
UPDATE: Isang lalaki ang sakay ng nahulog na sasakyan na nagtamo ng mga sugat; dinala na ito sa ospital ayon sa mga pulis @dzbb pic.twitter.com/brZl5ieAn9
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) November 18, 2018
LOOK: Isang mini loader ang humila sa nahulog na sasakyan sa 3rd level ng steel parking ng isang mall sa Greenhills @dzbb pic.twitter.com/2iQweefXWi
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) November 18, 2018
LOOK: Agad tinakpan ng trapal ng mga staff ng mall ang nahulog na sasakyan mula sa 3rd level ng steel parking ng isang mall sa Greenhills @dzbb pic.twitter.com/KXTPWIq8AK
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) November 18, 2018
Nagkayupi-yupi ang sasakyan at nasira ang railing sa 3rd Level parking area na nilusutan nito.
Ang nagmamaneho ng sasakyan ay kinilalang si Dr. Teodoro Llamanzares, biyenan ni Senator Grace Poe.
Kaagad dinala si Llamanzares sa Cardinal Santos Medical Center para mabigyan ng atensyong medikal.
Hindi pinayagan ng parking management ang media na makalapit at mag-usisa sa pangyayari.
May mga pulis nang nag-iimbestiga sa insidente.
Noong 2014 ay may nahulog ring kotse mula sa ikatlong palapag ng parking building sa Greenhills. Isang lalaking 73-anyos ang nagmamaneho ng maganap ang aksidente. —LBG/KG, GMA News