Halos siyam na oras nang nasusunog ang port area sa Jolo, Sulu, ayon sa isang ulat sa Saksi.

Pasado alas dos y medya ng hapon sumiklab ang sunog at mahigit 300 bahay na ang apektado.

Umabot na ang sunog sa Barangay Lambayong sa Patikul.

Nahirapan ang mga bombero sa pag-apula sa sunog dahil sa masikip na daan sa lugar.

Pinalikas na ang mga residenteng apektado ng sunog at pansamantala silang nakatira sa Jolo Municipal Hall.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog. — BAP, GMA News