Patay sa pamamaril ang isang barangay chairman sa Naujan, Oriental Mindoro nitong Linggo.
Sa ulat sa Balitanghali nitong Martes, kinilala ang biktima na si Armando Datingonoo na nanalong chairman ng Barangay Kalinisan nito lamang nakaraang eleksyon.
Base sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na raw ang biktima nitong Linggo nang barilin siya ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Patuloy ang imbestigasyon sa krimen at tinutugis na rin ang mga suspek. —Anna Felicia Bajo/NB, GMA News