Tinupok ng apoy ang ilang kabahayan sa Barangay Katuparan, Taguig City, Linggo ng umaga.

Sa ulat ni Mariz Umali sa News TV Live, nagsimula ang sunog sa Pag-asa Street sa Barangay Hagonoy pasado alas-onse ng umaga.

Umabot ang sunog sa ikatlong alarma bago ito tuluyang naapula bago sumapit ang ala-una ng hapon.

Wala pang naitatalang impormasyon patungkol sa bilang ng mga bahay na naapektuhan ng sunog.

Patuloy ang operasyon ng bombero sa nasabing lugar. —Anna Felicia Bajo/ALG, GMA News