Atimonan MDRRMO photo
Binabaha't timaan ng landslide ang bayan ng Atimonan sa Quezon dahil sa malalakas na ulan na nararanasan ng lalawigan nitong Huwebes.
Pansamantalang hindi nadaanan ang isang bahagi ng Maharlika Highway sa may Barangay San Isidro, Atimonan dahil sa baha.
Nagkaroon din ng landslide sa Old Zig-zag Road ng bayan nitong Huwebes ng umaga, dahilan upang isara ang kalsada.
Atimonan MDRRMO photo
Hanggang nitong umaga, patuloy ang pagbuhos ng malalakas na ulan sa lalawigan.
Samantala, madadaanan na ng lahat ng uri ng sasakyan ang mga lugar ba binaha maaga nitong Huwebes at naalis na rin ang mga batong humarang sa daan ng dahil sa landslide.
Nakaalerto naman ang mga kawani ng Atimonan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) dahil patuloy pa rin ang pa-uulan doon.
Atimonan MDRRMO photo
—Peewee Bacuño/LBG, GMA News