Kinagiliwan ng netizens nang mahuli ni Jennylyn Mercado na nagti-TikTok ang kaniyang asawa na si Dennis Trillo.

Sa TikTok video ni Dennis, mapapanood na nasa kalagitnaan na siya ng pag-record ng TikTok lip sync sa cover ng “Ikaw Ang Aking Mahal.”

@dennistrilloph Better lock next time???? @Jen Mercado @G E E L Z Y #foryoupage #fyp #goodvibesonly ? original sound - G E E L Z Y

Ngunit ilang saglit lang, bumukas ang pinto at bumungad si Jen na may ekspresyon sa kaniyang mukha na “makuha ka sa tingin.”

At nang i-upload ang video, napa-comment din si Jen ng “Tsk tsk tsk…”

May mahigit 450,000 reactions at higit 8,000 comments na ngayon ang paandar nina Dennis at Jen. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News