Darating sa Pilipinas sa 2024 ang American rock legend na si  Rod Stewart.

Dadalhin ni Rod sa Manila ang kaniyang "Live in Concert, One Last Time"? show na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa March 13, 2024.

Ayon sa Live Nation Philippines, magkakaroon ng fanclub presale sa November 15 sa ganap na 10 a.m. Habang ang Live Nation presale naman ay mangyayari sa November 16 sa ganap na 10 a.m. Ang general sale ay sa November 17 sa ganap na 12 p.m.

Bukod sa Pilipinas, kasama sa Asia concert tour ni Rod ang Japan, Malaysia, Thailand, Hong Kong, Singapore, at Taiwan.

Noong 2004, nakamit ni Rod ang Grammy Award for Best Traditional Pop Vocal Album para sa “Stardust: The Great American Songbook, Volume III.”

Kabilang sa hit songs niya ang “Maggie May,” “Do Ya Think I’m Sexy?” “All for Love,” “Sailing,” at “Have I Told You Lately.” --FRJ, GMA Integrated News