Inihayag ng 90s boyband na A1 ang kanilang papuri sa Pinoy boy group na SB19.

“Our fans always keep us up-to-date with great songs coming out and they’ve actually made a lot of connections between A1 and SB19,” sabi ni Mark Read sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

“Some of the SB19 videos are great, really good videos,” dagdag pa ni Mark.

Dagdag pa ng A1, maaaring i-cover ng SB19 ang kanilang latest single na “Call Me When You Land.”

Nagbabalik sa Pilipinas ang British-Norwegian group para sa kanilang apat na araw na anniversary concert na “Twenty Five.”

Ayon sa banda, mas engrande ang kanilang concert kumpara sa 2018 show nila sa bansa, lalo na’t Pinoy fans ang the best para sa kanila.

May patikim din ang A1 sa kanilang mga kakantahin, kabilang ang classic hit nilang “Like A Rose.”

--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News