Inihayag ni Sid Lucero na nagkaroon siya noon ng sama ng loob sa amang si Mark Gil nang hiwalayan nito ang kaniyang ina na si Bing Pimentel. Gayunman, naunawaan naman daw ng kaniya ama ang kaniyang naramdaman.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, tinanong ni Tito Boy si Sid kung paano tumayo noon bilang ama si Mark kay Sid.

“To me, medyo mahirap sagutin… baka kasi hindi maintindihan ng iba… Dad did not have that big of a chance to become a father to me and my sister when we were growing up,” saad ni Sid.

“Because siyempre may sarili siyang buhay with my mom and may mga nangyari, naghiwalay kami,” pagpapatuloy niya. “So even if she wanted to, hindi rin naging madali para sa kaniyang maging tatay para sa amin.”

Ayon kay Sid, matapos ang hiwalayan ng kaniyang mga magulang, lumipat silang mag-iina sa Cebu.

“Did you resent it?” tanong ni Tito Boy. “In the beginning,” tugon ni Sid.

“Nagalit ka sa kaniya?” sunod na tanong ng King of Talk.
 
“Yes. I think natural na epekto lang ‘yan kapag naghihiwalay ang mga magulang sa bata, ang nangyayari either ‘Kasalanan ko ba?’ or ‘Bakit ganoon ‘yung naging desisyon mo? Love is love, we have to fight for it.’”

“And then as I grew up nagma-mature rin ‘yung pagtingin ko sa sitwasyon ko na ‘yun,” pagpapatuloy ni Sid.

Sinabi naman ni Sid na personal niyang nailahad ang kaniyang sama ng loob sa kaniyang ina, at sa ama noong “drinking age” na siya.
 
“My dad was much older, and he was talking to someone who was basically walking into manhood,” sabi ni Sid tungkol sa reaksyon ni Mark.

Naunawaan naman daw ni Mark ang damdamin ni Sid.

“Oh yeah. Wala siyang masabi,” sabi ni Sid. -- FRJ, GMA Integrated News