Tatawid sa Kapuso gag show na “Bubble Gang” ang "It's Showtime" host na si Ryan Bang.

Sa Instagram story ni Ryan na ibinalita rin sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, ipinasilip ng komedyante ang ilang behind the scenes ng kaniyang taping kasama ang mga ka-Bubble.

May groufie rin si Ryan kasama sina Paolo Contis, Kokoy de Santos at Analyn Barro.

Nag-post din ng pasasalamat si Ryan sa direktor ng Bubble Gang na si Frasco Mortiz.

Unang nag-guest ti Ryan sa Kapuso showbiz talk show na "Fast Talk with Boy," kung saan inihayag ng Korean artist na mas nais niyang manirahan sa Pilipinas kaysa sa Korea.

BASAHIN: Ryan Bang, pinili ang Pilipinas kaysa Korea?

Samantala, magkakaroon na rin ng bagong timeslot ang Bubble Gang, na napapanood na ng 6:45 p.m. simula Oktubre 1.

Ayon sa gmanetwork.com, makakasama pa rin sa longest-running gag show sina Michael V., Paolo Contis at Chariz Solomon.

Ganun din sina Analyn Barro, Betong Sumaya, Kokoy de Santos, EA Guzman, Buboy Villar, at Cheska Fausto. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News