Proud na inamin ni Ivana Alawi na naging "sugar mommy" siya noon o naging sobrang mapagbigay sa ilang kalalakihan.
"Tito Boy, ito po ah, hindi ko nilalahat ang artista. Alam ko maraming mabait diyan at alam ko maraming iba. Pero, opo, proud sugar mama [ako], baklang bakla 'to," sabi ni Ivana sa kaniyang guesting sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkoles.
"Hindi, hindi ko naging jowa. 'Yun nga eh, 'yung masama. Pero, okay naman ako kasi mapagbigay talaga ako, Tito Boy. Mapagregalo ako," pag-amin pa niya.
Ayon kay Ivana, nagpaparinig sa kaniya ng mga branded na kagamitan ang isang artista na hindi na niya pinangalanan.
"Nanghingihingi ng watch, tapos mga regalo. Parang, 'Ang ganda ng watch na ito 'no?' Titingin-tingin ka pa sa akin, ano akala mo, bibilhan kita? Tapos 'yung mga, 'Sa 'yo ba ito galing, 'yung branded na paper bag?' Sabi ko, 'Hindi. Hindi ako bibili ng branded na paper bag. Hindi pa nga tayo, bibilhan kita?,'" pagbahagi ni Ivana.
Noong nagde-date pa sila, si Ivana raw ang madalas nagbabayad.
"Tapos mga hotel, lahat ako nagbabayad. Tapos 'yung dinner, ako rin. Ano ito? Pati wine namin, lahat ako," sabi pa niya.
Ngunit tunay na ikinasama ng loob ni Ivana, nang makihati pa ang lalaki maging sa kaniyang meryendang hotdog.
"Tapos 'yung pinakamasama 'yung loob ko, hotdog na nga lang. Mahilig ako sa hotdog, 'yung may sandwich ha," ani Ivana. "Tapos, siyempre kaya ko ubusin 'yung isa kasi gutom ako. Hinatihan pa ako kasi daw kulang ng budget. Bakit? Anong hotdog, hotdog ko 'to! Masama po talaga loob ko roon. 'Yung hotdog ko po hinatihan pa."
Paglilinaw niya, hindi sila magnobyo ng lalaking kaniyang ikinukuwento.
Bago nito, naging mapagbigay na rin si Ivana sa isa namang non-showbiz na lalaki noon.
"Pero 'yung dati naman, 'yung ex, ex na parang landian and all, more on mga pagkain, gas, ganiyan, pera, pang-allowance. O, 'di mo kaya, allowance! Hindi naman siya gano'ng kaguwapo," ani Ivana.
"Akala ko kasi mapuputulan siya ng kuryente. Akala ko may mangyayari sa kaniya 'pag 'di ko nabigyan ng allowance," pagpapatuloy ni Ivana.
Paglilinaw niya, hindi buwanan ang kaniyang pagbibigay.
"Hindi naman monthly, ha. Minsan minsan lang, mga every three months. 'O babe, ubos 'yung pera ko.' 'O ito.'"
Kalaunan, natigil din ni Ivana ang ugali niya ng sobrang pagbibigay.
"Na-realize ko maganda naman ako. Hindi naman ako chaka. At saka na-realize ko bagets naman ako, hindi naman ako matanda. Parang, bakit mo ko pineperahan? Pero dapat hindi mo rin peperahan ang mga matatanda. Dapat in general, huwag ka na mamera," sabi niya.
"Nasa relasyon ka para sa pag-ibig, hindi para sa pera," ayon pa kay Ivana. -- FRJ, GMA Integrated News