Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Huwebes na bangkay ng negosyanteng si Anson Que at ng kaniyang driver ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa Rodriguez, Rizal.
“Yes, that’s confirmed,” sabi ni Remulla sa kaniyang mensahe sa GMA News Online.
Sinabi ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) na natuklasan ng isang concerned citizen ang mga bangkay sa Sitio Udiongan, Barangay Macabud bandang 6 ng umaga nitong Miyerkules.
“The two bodies were placed in a nylon bag, tied with nylon rope, and their faces were wrapped with duct tape,” sabi ni PRO 4A public information office chief Police Lieutenant Colonel Chitadel Gaoiran.
Sa ulat ni James Agustin sa GMA Integrated News’ Unang Balita, sinabing naka-underwear lamang ang mga biktima at puno ng dugo ang kanilang mga ulo.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News