Matagumpay na naisagawa ng isang lalaki ang kaniyang extreme ride adventure nang mapatakbo niya ang kaniyang motorsiklo sa Black Sea sa Poti at Kobuleti, Georgia.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, mapanonood ang daredevil biker na inayos at kinabitan ng skis ang kaniyang motorbike upang makatawid sa dagat.

Kinailangang mabilis ang takbo ng lalaki para hindi siya lumubog sa tubig.

Halos kalahating taon ang ginawang pagsasanay ng lalaki para maisagawa ito.

May paalala naman sa publiko na huwag itong gayahin. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News