Malapit nang buksan sa publiko bilang pilgrimage site ang isang kuweba sa Israel na pinaniniwalaang libingan ng midwife na nagpaanak daw sa Birheng Maria.
Taong 1982 nang madiskubre ng mga eksperto ang kuweba. Nakahanap din daw sila roon ng mga artifacts na nagpapatunay sa nakasaad sa Book of James.
Pero hindi ito binubuksan sa publiko bilang isang Christian Holy Site. Ngayong taon, napagdesisyunan ng mga awtoridad na gawin na itong pilgrimage site.
Sa gitna ng kanilang paghahanda, may mga nahukay pa silang karagdagang artifacts na nagpapatunay sa existence ni Salome.
“We found this big yard, one of the biggest yards in Israel, of the entrance to the burial cave. There is almost [not] any yard like that. So during the excavation also, we found tens of oil lamps, we saw signs of pilgrims, we saw signs of inscriptions,” ani Firer.
“This is all the newest thing in archeology today in excavations of Israel,” dagdag pa niya.
Ang Cave of Salome ay magiging bahagi ng Judean Kings Trail, isang 100 kilometers trail mula Beersheba hanggang Beit Guvrin. —Mel Matthew Doctor/NB, GMA Integrated News