Nagkamali ng bibiktimahin ang isang kawatan dahil sasakyan ng isang UFC heavyweight fighter ang target niyang buksan sa Houston, Texas.
Sa Instagram, nag-post ang UFC heavyweight mixed martial arts fighter na si Derrick Lewis ng larawan at video tungkol sa insidente.
Sa larawan, makikita na dinala ng mga pulis sa mobile ang suspek na may benda sa ulo.
Sa video naman, ipinakita ni Lewin ang gasgas sa kaniyang sasakyan na tinangka raw buksan ng suspek na may dalang screwdriver.
"Mofo pick right/wrong car to break into. He's OK," sabi ni Lewis sa caption.
Sa ulat ng MMA Fighting, sinasabing nangyari ang insidente dakong 9:30 a.m. sa Houston.
Sa police report, galing daw si Lewis sa workout nang makita niya ang ginagawa ng suspek sa kaniyang sasakyan.
"Mr. Lewis says he went over to the suspect, struck him, placed him onto the ground until the police arrived," ayon kay Houston Police public information officer Jodi Silva.
"That's the nicest way to put it."
SA Instagram Stories, nag-post si Lewis ng larawan ng kaniyang kamao na tila nagkapasa.
"Satisfaction," saad niya.
Sa comment section, marami ang nagtanong kung ano ang ginawa ni Lewis sa suspek at kung papaano niya ito hinuli.
"You slam him?," tanong ng isang netizen.
"His uppercut to a guy like that is a powerbomb," sabi naman ng isa pa. --FRJ, GMA News