Kinumpirma ni Max Collins na divorced na sila ni Pancho Magno.

"We're legally separated na. Yes, it's official na. Yes, we are already," pagkumpirma ni Max Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras Weekend nitong Sabado.

Ayon kay Max, naaprubahan sa Amerika ang diborsyo nila ni Pancho noong isang buwan.

Isang American citizen si Max kaya maaari siyang magsampa ng divorce.

Nauna nang napaulat noong Abril na napag-usapan nina Max at Pancho ang paghahain ng divorce. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News