Taong 1991 nang magulantang ang mga deboto ng imahen ng Sto Niño de Malitbog sa Southern Leyte nang bigla na lamang itong nawala sa simbahan.
Sa tagal ng panahon na lumipas, nanatiling palaisipan sa mga tao kung papaano nawala ang imahen o kung sino ang kumuha rito.
Pinaniniwalaan ding mapaghimala ang Sto. Niño na umano'y nagpagaling na rin sa ilang maysakit. Itinuturing ding itong "gala," na pinaniniwalaang umaalis sa simbahan at nag-aanyong bata.
Kaya naman labis ang kalungkutan ng mga deboto mula nang mawala ang imahen.
Hanggang sa isang araw, nakatanggap ng impormasyon ang mga taga-simbahan na nakita ang imahen na nasa pangangalaga ng isang kolektor ng mga antigong Sto. Niño sa Marikina.
Pero ang nawawalang Sto. Niño de Malitbog nga kaya ang hawak ng kolektor? Papaano napunta sa kolektor ang naturang imahen at papayag kaya siyang basta na lang ito ibalik sa simbahan? Alamin ang kasagutan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
--FRJ, GMA News