Unang inakala ni Raoul na bahagi ng ngipin niya ang matigas na bagay na kaniyang nakagat nang kumain ng inihaw na talaba sa isang restaurant sa Iloilo. Pero nang masuriin niyang mabuti ang maputing bagay, isa pala itong perlas — at hindi basta-basta perlas.

Panoorin ang buong kuwento ni Raoul sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," at alamin kung bakit hindi pangkaraniwan ang nakuha niyang perlas sa talaba. Hinay-hinay na rin mga Kapuso sa paglunok sa laman ng talaba dahil baka suwertihin ka rin tulad ni Raoul.


Click here for more GMA Public Affairs videos:


--FRJ, GMA News