Kahit tatlong-buwang-gulang pa lang ang kanilang baby girl, nakikita na ng isang ama na magiging maka-nanay ang kanilang anak dahil sa ipinakitang senyales ng bata... ayaw daw makita ang kaniyang pagmumukha.

Sa ulat ni Joseph Morong sa GTV "State of Nation" nitong Miyerkules, sinabing pinusuan ng mga netizen ang video post ni Felix Peña na makikita ang nakatutuwang relasyon ng mag-ama.

Kapansin-pansin ang style ng pagkarga ni Peña sa kaniyang baby na kailangang nakatalikod sa kaniya, o nakasandal ang bata sa kaniyang dibdib.

Kapag iniharap niya kasi sa kaniya ang baby at nakita na ang kaniyang mukha, umaatungal na ang sanggol.

"Iyan ang problema. Ayaw niyang nakikita ang mukha ko. 'Nak, tatay mo ko 'nak," sabi ni Peña sa kaniyang anak sa post.

Kapag ang tiyahin at tiyuhin daw ang may hawak sa bata, kalmado naman si baby.

At kapag si mommy ang may hawak, all smile pa si baby.  Kaya naman natutunugan na ni Peña na magiging maka-nanay ang kanilang anak. -- FRJ, GMA Integrated News