Sa kabila ng pagiging busy sa kanilang mga gawain at trabaho, hindi nakalilimutan ng mga celebrity daddy na maglaan ng panahon para sa makapiling ang kani-kanilang chikiting.

Ngayong Father's day, kilalanin ang ilan sa mga celebrity at social media influencer dads na may bagong baby o kaya naman ay first time na maging daddy.

Silipin ang kanilang precious bonding moments sa kani-kanilang anak. Gaya ng ibang "ama," “tatay,” “papa” o “daddy,” walang kapantay na kasiyahan ang kanilang nararamdaman kapag nasilayan at nasubaybayan ang paglaki ang kanilang mga baby.

Handa rin silang magsakripisyo upang maitaguyod ang kanilang pamilya, at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak.

Happy Father’s Day!

--FRJ, GMA Integrated News