Sa "Tunay Na Buhay," ipinakilala ang 100-anyos na si Lola Virgie, isang nurse noong World War II, at naging guro rin ng beteranang aktres na si Gloria Romero.
Ayon kay Lola Virgie, unang trabaho niya bilang nurse sa American Army hanggang sa siya ay maging isang head nurse.
Tatlo ang naging anak ni Lola Virgie sa pumanaw na niyang mister, na tinuturuan siya sa paggamit ng gadgets at social media.
Dahil dito, alam din ni Lola Virgie ang YouTube at kilala ang sikat na Korean boy group na BTS.
Panoorin ang reaksyon ni Lola Virgie nang batiin siya ng kaniyang mga showbiz "crush" na sina Richard Yap at Ian Veneracion.--FRJ, GMA News