Nagpalitan ng maigsi pero matamis na mensahe sa Instagram sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa selebrasyon ng ikalawang taon ng kanilang relasyon bilang magkasintahan.
Unang nag-post si Maine ng masayang larawan nila ni Arjo na may simpleng mensahe na "happy second" na may kasamang heart shape.
Si Arjo naman, nag-post ng larawan nila ni Maine na naka-funny face ang Eat Bulaga dabarkads.
"I love you more than you could possibly imagine. Happy 2nd Anniversary bubs!" saad ng aktor.
Naging sikreto ang relasyon ng dalawa hanggang sa aminin ni Arjo noong Enero 2019 na nagdi-date sila ni Maine.
Dalawang buwan ang nakalipas, inamin na rin ni Maine ang namamagitan sa kanila ng aktor. — FRJ, GMA News