Inihayag ni David Licauco na ang pinakamalaki niyang kinita sa isang taon ay umabot sa P50 milyon dahil sa kaniyang mga negosyo at pagiging artista.
Sa latest TikTok vlog sa Iskul of Dizcarte's (IOD), may nagtanong sa aktor tungkol sa pinakamalaki niyang kinita sa loob ng isang taon mula sa pagiging celebrity at pagiging negosyante.
Nagpahula muna si David sa host guess na nagsabing P10 milyon, na sinabi ng aktor na "higher."
Sumunod na hula ang P30 milyon na sinabi ni David na "higher again."
Nang huluan na ang P50 milyon, sinabi ni David na, "Somewhere there."
Sa naturang panayam, sinabi ni David na ipinapasok niya sa negosyo ang kinikita niya mula sa showbiz.
"Reckless ako when it comes to investing. I think I'm in a stage of my life where calculated risk," saad niya.
Kabilang sa mga negosyo ni David ang ilang branches ng "Kuya Korea" at "Sobra Cafe."
Katatapos ng GMA Prime series "Pulang Araw," na kinabilangan ni David, at mapapanood naman siya sa upcoming movie na "Samahan ng mga Makasalanan," na ipalalabas sa mga sinehan sa April 19. —Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News